This deserves a re-blog.. Got it from The Lost Account: http://markquitoy.wordpress.com/
---
"Nahihirapan din ang mga lalaki"
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto.
Nagmumuni-muni. Nag-iisip.
Minsan talaga may mga bagay na hindi
ko maintindihan. Ewan ko ba.
*hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare? ilang beses ko na
pinag-aralan pero lagi na lang
lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo
mo tingnan, hindi nagiging
patas para sa mga lalake ang ilang
bagay pagdating sa pagmamahal.
*tingin sa stars*
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga
babae ang hirap ng lalake na gumawa
ng first move para
magtapat ng pagmamahal?
E yung hirap na
dinadaanan sa panliligaw sa
mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag
nabasted?
*hithit*
Malamang-lamang siguro, hindi ano.
*buga*
Wala naman yata silang alam
sa mga paghihirap naten e.
Ang alam lang ata nila e mamili,
manakit, at magsaya. Tingin mo?
*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun.
Una pa lang, lalake na ang
naghihirap.
Hassle saten ang panliligaw pero
bago pa yun, kung ano-ano pang diskarte ang
gagawin naten para masabi sa kanila na
mahal natin sila.
Alam kaya nila yun?
Mahirap magsabi na
mahal mo na yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten. .
Patutunayan na mahal nga sila.
*hit hit*
*buga*
Maghahatid sa bahay, tutulungan,
sasabayan, pakakainin, pagtyatyagaan,
lahat na.
Kulang na lang e pagsilbihan mo
nang walang sahod.
At ano ang kapalit?
Well, depende sa trip nila.
*nag ring ang cellfone*
- hello? ah, o sige. tawagan kita mamaya. wag ka umiyak, pangit naman si constantine eh. oo, mamaya. love you, bye. –
*sindi ng yosi*
*hit hit*
Oo tol..
*buga*
Sa trip lang nila. Wala silang pake
kesehodang mahal talaga natin sila.
Basta ang alam nila,
pag di nila tayo trip,
isang malaking HINDE ang makukuha naten,
kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod
o lumuhod sa mga
asing buu-buo.
Para lang silang namimili ng damit na
di man lang sinusukat bago ayawan.
Kaya kahit
mahal na mahal na mahal na mahal natin,
sorry tayo.
Hindi nila alam kung
mahal mo sila.
Kailangan mong maabot ang
kanilang mga standards,
kundi uuwi ka lang na badtrip,
iiling-iling, at minsan, luhaan.
*tingin sa langit*
Wala tayong magagawa, marami silang
alibi..
“Hindi pa ‘ko ready eh..”,
“Sorry pero I think we should just be
friends..”,
“Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba?
Hahahaha..”
“Better luck next time na lang muna,
okay lang?”,
“Give me a decade. Pag-iisipan ko
muna..”,
“Para lang kitang kapatid e..”,
..yaddah yaddah.
Isang malaking pagsasaklob ng
langit at lupa ‘yon para saten.
pero tol..
ano?
*hit hit*
hindi naman ata nila alam yun eh.
parang sabi mo, laro laro.
chempuhan lang.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship
stage pa lang yon.
Pag sinagot na nila tayo,
satin pa rin ang hassle.
Tayo daw ang mga
lalake kaya tayo ang
hahawak ng relasyon.
Tayo ang aayos kung may
gulo;
tayo ang dapat magpapakabait;
tayo ang magtatyaga;
tayo ang magiging devoted at faithful;
tayo, tayo, tayo.
*apak sa yosi*
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.
Ayun. Sila ang magsasabi
kung anong oras kayo
dapat magmeet;
sila ang magtetext ng mga
mushy at kabalbalang texts;
sila ang magdedemand
sayo ng kung anu-ano;
sila ang magbabawal;
sila ang magsasabi kung
kelan ka dapat mag-shave,
kung kelan ka pwedeng
tumawag sa bahay nila,
kung kelan sila di dapat
badtripin dahil meron sila,
at kung kelan ka korni.
Ewan. Ganun ata talaga.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
Hindi pa yun tapos pare,
dahil dapat tayo ang
bahala kung ano ang
magiging takbo ng relasyon.
Pag maganda,
edi okay.
Pag may problema,
kasalanan naten.
Haay buhay.
Minsan talaga kung
tutuusin sakit sila ng ulo.
Kaya lang ganon natin sila kamahal eh,
kaya di na natin iniintindi yun.
*hinga ng malalim*
Alam mo tol,
feeling ko mas sincere pa tayo
magmahal sa kanila.
Alam mo yun,
iba tayo magmahal e.
Iniisip kasi nila,
pare-pareho ang lahat ng lalaki.
Hindi lang parang laru-laro lang.
Seryoso…
*tingin sa semento*
*hinga ng malalim*
*iyak*
---
This is what i get from too much blog-hoppping. :D
2 comments:
pa-reblog ding!! aisus. tamang tama uh! haha. :)
Sureness. Boy's perspective, maiba naman. Haha.
Post a Comment