Saturday, July 28, 2012

First impression


Sa uri ng sapatos ba makikita kung ano ang antas sa lipunan ng nagmamaya-ari nito?
Tatlumpong minutong pagkakaupo sa jeep, traffic, morning rush
Nabaling ang tingin pababa, palibhasa’y shoe fetish
May nakatsinelas, sandals, flat shoes, stilettos, rubber shoes –iba iba
Nasa sapin sa paa nga ba masasalamin ang uri ng pagkatao ng tao?
Marahil oo,
Pwede ding hindi
Meron kasing sosyal, nakatsinelas, Havaianas,
Swak sa mamula-mula niyang sakong
May Juan din namang naka-sapatos,
Rubber shoes maghapon
Job description kasi ng isang company driver
Dumating sa paroroonan nang di alam ang kasagutan…
Hindi pala nasasalamin, encompassing, na sabihing ang pagkatao ay makikita sa sapatos
Bagkus, ang uri, istilo, cut,o size  ng sapatos?
Impression, impresyon ang dala. 

No comments: