Gusto kong gumawa ng
sarili kong libro, entitled, “Ang mga
Katarantaduhan ng Pinoy.” Parody style, para cool.
Marami-rami na rin kasi
akong nasaksihan, nabalitaan, at na-experience
na ka-gaguhan ni Juan. Sa tingin ko nga magiging best seller ito dahil marami talagang makaka-relate. (wishful thinking!) balak ko ring lagyan pa ng mga pictures
ng mga caught-in-the-act, para naman masabi niyong, “wow artista na ako, sikat
na ako!”
In
one way or another, lahat naman tayo’y naging tarantado minsan sa
buhay natin.
Mga
tarantado sa lansangan
Habang sakay ng dyip
biyaheng Divisoria, nakita ko ang isang babae, naka-short skirt, palinga-linga, wari’y may hinahanap. ‘Yun pala, tuma-timing si Ate para tumalon sa ginawang
barikada ng MMDA.
Una, nakahihiya ang ginawa
niyang yun , kababae niyang tao, and to
think that she was in a very short skirt! Pag katawid ni Ate, parang wala
lang, para bang ang ginawa niya ay normal at pang araw-araw na gawain ng isang
kagalang-galang na nilalang.
Pangalawa, ang tamang
tawiran, ay halos katabi lamang ng barikadang tinalon niya, nag-eehersisyo
siguro ang babae, or nagpa-practice mag
parkour. O baka naman nagpapapansin sa MMDA, “tignan niyo ko, naka maikling
palda ako, tatalon ako dito, kering-keri ko ‘to!”
Hindi ko na itatanong pa
kung bakit mas pinili ng babaeng iyun na sumirko sa gitna ng daan sa halip na
tumawid sa Ped Xing. Tamad kasi tayo. Isa pa, nakasanayan na ito at panghuli,
wala rin naman kasing nanghuhuling enforcer.
Kung meron man, aba malikhain ang Pinoy sa paggawa ng alibi.
"May emergency po eh, nagmamadali po ako."
"May emergency po eh, nagmamadali po ako."
"Ay! Hindi ko ho alam na bawal pala tumawid dito."
‘Yung iba naman nagbibingi-bingihan, nagtatanga-tangahan, o ‘di kaya’y
i-Englishin ang MMDA enforcer para
kunwari witty at nasa tamang lugar ang palusot.
Minsan ko na ring naisulat,
at na-i-rant ang pagdura ng mga Pilipino. Bakit ba dura nang dura ang mga
lalaki (may mga babae din kung minsan)? Nasusuka ba sila sa malansang
lansangan? Kung ganoon ang dahilan, totoo namang nakaririmarim ang kadugyutan
ng Metro Manila. Pero dude, wala
namang duraan oh! Buti na nga lang at magaling akong umiwas sa mga
nagtatalsikang laway.
I was aimlessly walking
inside a mall, sightseeing, window-shopping, when a man, suddenly covered one
of his nostrils and then blew very hard until a booger said “hello.” WHAT WAS
THAT ALL ABOUT?
%^*$%&%^mo! $^@#&@ ka!
Sinadya kong isulat sa
Ingles ang karanasan kong ito sapagkat malaswa namang basahin at nakakaturn-off
kung:
Habang nasa mall ako’t
nagsha-shopping, isang mama ang dagliang
nagtakip ng isang butas ng ilong sabay singa nang malakas, ayun, sumabog ang
malagkit niyang uhog sa makinis at magong linis na sahig ng mall.
Hindi ko lubos maintindihan
kahit anong gawin ko kung bakit nagawa ng lalaki iyun, sa loob ng isang
establisyamento? Tarantado siya. Walang hiya siya.
Kultura
ng ewan
Ewan ko ba kung bakit
binababoy natin ang lugar natin, in the end, binababoy na rin natin ang ating
mga sarili. Kung iisipin mo, conscious ang
mga Pinoy eh, dahil kung nasa ibang mas matinong bansa sila, tiyak naman ang
pagsunod: pipila sila sa bus stop, itatapon nila ang pinagkainan sa McDo,
tatawid sila sa tamang tawiran at hindi sila dudura kung saan-saan.
Kamakailan nga ay gumawa ng
ingay ang Hollywood film na The Bourne Legacy dahil dito sa Manila napili
i-shoot ang ilang bahagi ng movie. Nang tinanong ang director nito na si Tony
Gilroy kung bakit sa lansangan ng Maynila ang location ng pelikula, isang straightforward
answer ang ibinigay niya:
“It’s just so colorful and
ugly and gritty, raw and stinky and crowded.”
Sensitibo ang mga Pilipino. Emosyonal
tayo. Balat sibuyas ang mga Pinoy. Kaya’t naintindihan kong galit at inis ang
una nating naramdaman sa pahayag na ito. Ngunit, may basehan at pawang
katotohanan ang sinabi ni Gilroy.
Madumi’t mabaho ang Maynila.
Pangit ang Manila.
Hindi ba’t kung ayaw nating
mapintasan, dapat gumawa tayo ng aksyon upang kahit papaano’y hindi tayo
makutya?
Alam natin ang truism na ito
pero wala tayong aksyong ginagawa. Bakit nga ba? Dahil sa katamaran. Ibalik
natin sa panahon ni Jose Rizal, minsan na ring naisulat ng ating pambansang
bayani ang katamaran ng mga Pilipino sa libro niyang “The Indolence of the Filipinos.”
In summary, sinasabi ni
Rizal na hindi inherent ang pagkatamad ni Juan, bagkus kulang lamang siya sa
edukasyon at walang national unity ang Pilipinas na magpapa engganyo sa kanya na magsipag.
Hindi tanga ang Pinoy. Sadya
nga lang tarantado at gago ang Pilipino dahil ito ang nakasanayan…
(My good friend, Claire, and
I are planning to publish a book with the same topic and sentiments. I just
hope our project will push through) *crossed fingers*
2 comments:
I want a signed copy! =) haha. May i-shashare ako! Ako one time sa mall, lalaki, spit, apak, kinalat using the slippers. haha =) Eechh.
Same! Ganyan din na-experience ko. :|
Post a Comment