Ang mga sumusunod ay excerpt sa nobelang “Ligo na u, Lapit na me” ni Prof. Eros Atalia ng UST. Dahil ilang oras na lamang at magtatapos na ang taon, tamang-tama ang pagkakataong ito upang ikowt ang nasabing akda…
“Bakit pa kasi naimbento ang salitang closure. Pukang ama, ang dami namang nangyayarari sa mundo na walang closure. Halimbawa, hanggang ngayon, hindi malaman kung nasaan ang nawawalang Golden Buddha. Sino ba talaga ang pumatay kay John F. Keneddy? Hindi pa din nasasagot ang misteryo ng Bermuda Triangle, alien abduction, Area 51, Roswell, missing link, big foot, loch sea monster at iba pang pinoproblema ng Discovery Channel. Wala pa ring closure ang Big Bang at Creation Theory.
Kung ang tao nga mismo ayaw ng closure kaya nagpupumilit na may buhay pa sa kabilang buhay. Kaya nga sa fairy tale, lagi na lang sinssabing ‘and they live happily ever after’ kasi hindi maikuwento kung ano talaga ang naging ending…
Wala pa ring closure. Si John Rambo walang closure. Kahit pa nang bumalik siya sa bayan niya, hindi nangangahulugan na hindi na uli sya susumpungin ng pagiging war freak niya.
Siguro kaya naimbento ang salita’t konseptong closure ay para sa mga tinatamad malaman ang magiging wakas. Yung mga atat na atat na malamang ang ending. Yung mga naburyong na sa pagkainip sa dapat kahinatnan. Kesa nga naman maghintay sa pagkahaba-haba’t, pagkatagal-tagal ng ending, mabuti pang putulin na lang.”
Closure, bakit nga ba naimbento ang salitang ito?
Anyway, dahil ilang oras na lang at sasalubungin na nating ang taong 2011. Marapat lang siguro na i-close na natin ang mga issue na nagdaan. Teka, mali, mali ata ang term na close, ang ibig kong sabihin, ay simulan na nating ang panibagong chapter ng ating buhay. Wala namang may alam kung ang mga bagay na nagkaroon na ng closure eh may pagkakataon pang mabago o madagdagan ang “ending” sa susunod na episode.
No comments:
Post a Comment